Skip to main content

How to Start your eCommerce Business.

 

Patok na patok ngayong pandemya ang eCommerce business dahil nga naman sa isa ito sa pinakamadaling way para makapagbenta online at the same time napaka-laki ng potential ng kitain mo sa isang eCommerce business.

Pero it takes a lot of time para maintindihan ang lahat ng ito kaya sa Blog na ito, aaralin natin ang pinakamatulin na way para magsimula ng eCommerce Business.

dropshipping-woo-supply-solutions


Bago ka magsimula, you have to always keep this in mind. “Ang eCommerce business ay hindi Madali”
Why? Because if sa tingin mo magiging madali ito, hindi magtatagal ang business mo dahil sa eCommerce constant ang learning lalo sa sa advertising part or marketing at the end mabuburnout ka lang din.

Heres the step in the fastest way to get started.

1.     Timeline/Roadmap

Madalas sa mga maliliit na business ngayon ay hindi lumalaki at tumatagal ay dahil sa kakulangan sa plano. Yung malalaking business nga merong malaking budget ay merong business plan, dapat tayong maliliit na business ay meron din. Kaya kung mapapansin mo ang mga Sari sari store, 5 years ng dumaan still sari-sari store pa din. Bakit? Dahil sa tayong mga pinoy ay meron small thingking mindset. Siguro minana na din natin ito pero we have to open our eyes and mind sa mga opportunities na pwede pang mangyari sa business natin.
For example,this year you have sari sari store, next year dapat magiging grocery na ito and then sa future big supermarket na ito.
Medyo exaggerated pero its not possible kung meron kang plan sa una pa lang.

Sa eCom business, some people might think na small business ito pero if you have a mind like Jack Ma na He is seeing the better future sa ginagawa nya then you are in the right track.

 

2.      Magsimulang magisip ng Product na iyong ibebenta.

Ang produkto ang puso ng business mo, kung ang produkto mo ay hindi mabenta, malamang sa malamang na ang business mo ay malulugi. Kinakailangan na pagaralan mo ng mabuti ang produktong ibebenta mo.

Madami kang niches na pwedeng simulan, maaring mga gamit n pambata, Fashion mga gamit pamBahay or mga gamit sa Kitchen or pagluluto. Sa pagpili mo sa isang niche magiging madali para sayo ang marketing strategy mo dahil nakaFocus ka lang sa iisang Niche. Eto ay suggested sa mga bagong mag-eecomerce business.

 

Maari mo ding gawin and sarili mong brand kung ang produkto na ibebenta mo ay sobrang kilala na sa market, sa pamamagitan nito,tumataas and trust ng customer sa business mo.

 

3       Source Product

Sa panahon ngayon magiging madali na ang pagreresearch ng produktong nais natin ibenta. Gamitin ang internet sa paghahanap ng mabentang produkto.
Maari ka ding humanap sa Alibaba,Aliexpress, Lazada Shopee , sa mga local retail store sa inyong lugar or kaya sa Woo Supply Solutions na recommended para sa mga Pinoy na gusto magsource ng produkto sa China.

Narito ang comparisons ng bawat sourcing websites na alam kong makaktulong sa mga bago at even matagal ng nagbebenta online.

Website

Types

Charges

Currency

Consolidation

Shipping Cost

MOQ

Payment Terms

Alibaba

B2B

2.95% upto 4%

USD

No

High

High

Online

Aliexpress

B2C

High Mark UP

USD

No

Medium

Case to case

Online

Woo Supply Solutions

B2B

1k or 3% whichever is higher

PHP

Yes

LOW

No MOQ

Online/Pay later

As a starter napakahirap para sa atin ang maginvest ng malaking pera sa product lalo na at nagsisimula pa lang at very tight ang budget so as you can see sa table, mas suggested Woo Supply Solutions dahil  bukod sa ito lang ang nagiisang sourcing company dito sa Pinas to China napakalaking mura nito para sa mga gusting magsource directly sa china. They also have partnership with Tendopay na sobrang ganda para sa mga nagsisimulang magbusiness. With TendoPay, maari kang bumili ng product sknla gamit ang tendopay, buy now pay later.
Swak na swak ito sa mga very tight ang budget.

 

4       Budget

We all know na walang business na walang investment, kung meron man siguro sa diskarte nalang pero sa ganitong business, ang mga taong gusting bumili ng produkto mo ay hindi lang basta papatak sa website mo at bibili,kelangan mo ng budget para ma-acquire ang mga ito.
Bukod sa produkto, you have to set a budget also sa marketing platform mo.

            Website

               Bakit kelangan ng website? Ang eCommerce ay online tindahan, kaya kung wala kang tindahan saan mo ilalagay ang produkto mo? So you have to set up your website para sa long term eCommerce business mo.

3.                            Marketing

             Maari ka ding gumastos sa marketing platform mo, maaring kumuha ka ng influencer, or maari din naman mag-set up ka ng Google Advertising or Fb advertising mo para magkarooon ng bisita ang website mo or online tindahan mo. Dahil kung walang visitor ang website mo, sino ang bibili? So kelangan mo ng marketing budget para magkaroon ka ng visitor sa website mo at Makita nila ang inooffer mo sa website.

 

5       eCommerce Strategy

Madami ng course naglabasan ngayon tungkol sa eCommerce course na meron mga subscriptions or fee. Well, this is good naman but the thing is, why kelngan mo pa magbayad when all of that stuff ay nasa Youtube na or Google.
Real talk, in this business maganda ang meron kang guide or tumutulong sayo pero kung magbabayad ka lang din naman and you have a very tight budget, better to research it on your own. Madaming tools na pwede gamitin available online.

 

Para maging maayos pa ang website or process ng business mo, maari mong gamitin ang mga tools na ito which is totally Free.

 

1.      Hubspot - CRM

2.      Hootsuite – Social Media Marketing Dashboard

3.      Canva – Logo or designs for website

4.      Pexels – Stock Photo

5.      Shopify Apps

6.      Shopify Store (14days Free trial)

 

I believe madami pa dyan na apps na for Free, just dive a little bit to understand everything about eCommerce business.

 

So to start your strategy, my basic advise is to start as a basic.
Just use the facebook ads and Shopify stores to build your business.
Aralin lang natin ng unti unti, wag yung inaaral mo yung facebook ads then inaaral mo din ang SEO that’s a two different thing.

Again, Facebook Ads + Shopify Store that’s the basic platform na pwede natin simulan.

Goodluck.

Comments